Isa na namang Pilipino ang nabago ang buhay ng dahil sa palarong lotto ng PCSO. Masuwerteng nakuha ng isang manlalaro ng Superlotto 6/49 ang jackpot prize na Ph 26,881,510.00, nitong Martes, July 10, 2018.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander F. Balutan ang winning ticket na may kombinasyon na 28,11,06,17,10 at 25 ay binili sa lotto outlet na matatagpuan sa San Juan Ave., Brgy. North Centro, Sipocot, Camarines Sur.

Ang Superlotto ay nilalaro tuwing Martes, Huwebes at Lingo, at mapapanood live sa PTV 4 alas-9 ng gabi.

Muling nagpapasalamat si GM Balutan sa milyung-milyong tumatangkilik sa lahat ng produkto ng PCSO. At sa pamamagitan ng inyong pagsuporta at paglaro sa ating produkto, tuloy tuloy din ang pagtulong pangkalusugan at pagbibigay ng serbisyong pangkawanggawa ang PCSO sa ating mga kababayan sa buong bansa. Sa inyong pagbili ng tiket may tsansa na kayong maging milyonaryo, sigurado pa kayong nakatulong sa kapwa nyo, dagdag pa ni GM Balutan.

Para sa mga winning combination at schedule ng iba pang PCSO gaming products ay maaaring bisitahin ang opisyal na website ng PCSO sa www.pcso.gov.ph at sa FB page na https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia.