News  |  Published: Thursday, July 13, 2017

Muli na naming nagkaisa ang Philippine Charity Sweepstakes Office at ang Philippine Navy sa isang programa para sa kalikasan.

Noong ika-30 ng Hunyo 2017 ang mga opisyal at kawani ng dalawang ahensya, ang PCSO at Philippine Navy, ay nagsagawa ng “Tree Planting” at “Coastal Clean-Up”sa Las Piñas – Parañaque Critical Habitat and Eco-Tourism Area na matatagpuan sa Coastal Road, Parañaque City.Ito ay pinangunahan ni PCSO General Manager Alexander F. Balutan sa tulong ni Col. Ricardo D. Petrola PN (M)(GSC), Chief of Civil Marine Operations, Col. Ferdinand Gomez PN (M) (GSC), Deputy Commander for Marine Operations at Ginoong Carlito Castañeda, OIC, Protected Area Management and Biodiversity Section ng DENR-NCR.

Sa kanyang mensahe ipinaabot ni PCSO General Manager Balutan ang pasasalamat sa pagkakataon na muling makatrabaho ang Philippine Navy sa pagpapaganda ng kalikasan. Dagdag pa niya na sa ganitong paraan ay naipapakita ng pamahalaan sa ating mga kababayan na ang PCSO at Philippine Navy ay nakiki isa din na mapangalagaan at maprotektahan ang ating kalikasan.

Bago simulan ang naturang programa, nagkaroon ng maikling pagpapaliwanag kung paano gagawin ng tama ang paglilinis at pagtatanim. Kasunod nito, ang mga kasali ay hinati sa dalawang grupo. Ang unang grupo ay para sa “Coastal Clean-Up” at ang pangalawang grupo naman ay para sa“Tree Planting”. Bawat grupo ay tumungo sa lugar kung saan sila nakatalaga at kaagad sinimulan ang gawaing nakaatas sa bawat isa. Ang kabuuang bilang ng mga itinanim na butong pili at agoho ay 550 piraso. (Isinulat ni Roselle S. Dela Umbria / Mga larawan ni Eugenio Darcy M. Geronimo)