News  |  Published: Tuesday, May 16, 2017

Binuksan noong ika-8 ng Mayo 2017 ang opisina ng Level-Up Corporation nasiyang Authorized Agent Corporation (AAC) ng PCSO sa probinsiya ng Cavite. Isang ribbon-cutting ang ginanap upang masimulan ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa nasabing lugar. Pinamunuan ng opisyal ng PCSO Cavite Branch Office na si Gng. Paloma Malinao at ng Level-up Corporation Chairman/CEO nasi G. Cesar V. Areza ang nasabing okasyon.

Ito ay ginanap sa opisina at official Draw Court ng Level-up Corporation na matatagpuan sa Units 3-4, ikalawang palapag ng Net’s Building na matatagpuan sakahabaan ng Molino Blvd., Barangay Bayanan, Bacoor City.Dumalo din sa nasabing okasyon ang Punong Barangay ng Bayanan, Bacoor na si G. Rogelio T. Saur.

Sa parehong araway ginanap din ang unang draw ng STL sa nasabing probinsiya sa ganap na alas-kwatro ng hapon.

Ang unang STL draw sa Cavite ay pinangunahan ni Ms. Paloma Malinao, Branch Manager at Ms. Nenita Sumagaysay bilang Draw Master ng PCSO Cavite

Branch Office, kabilang narinang mga empleyado at opisyal ng Level-Up Gaming Corporation upang masiguro ang maayos natakbo ng laro sa lugar. (Sinulat at Larawan ni Eugenio Darcy M. Geronimo)