Masaganang buhay ang handog ng PCSO sa isang masuwerteng manlalaro ng Superlotto 6/49 na taga Manila sa pagkakapanalo ng jackpot prize na nagkakahalaga ng Php 97,384,918.00 na binola noong Martes ng gabi, Oktubre 9, 2018.

Ayon kay General Manager Alexander F. Balutan ang nanalong ticket na may kombinasyon na 19, 32, 40, 21, 05 at 43 ay binili sa lotto outlet na matatagpuan sa Sta. Cruz, Manila.

Ang Superlotto 6/49 ay nilalaro at mapapanood ng live tuwing Martes, Huwebes at Linggo, sa PTV 4 alas-9 ng gabi.

Kasama sa mga nag-uwi ng premyo ay, 28 manlalaro na nakakuha ng 5 tamang numero na nagwagi ng Php 70,000.00 bawat isa, samantalang 1,308 manlalaro naman ang nakakuha ng 4 na tamang numero at nanalo ng Php 1,280.00 at 28,778 naman ang nanalo ng Php 20 bawat isa.

Buong pusong pasasalamat ang hatid ng PCSO sa milyun-milyong tagasubaybay at tumatangkilik ng lotto at iba pang produkto nito sa buong kapuluan. Sa patuloy na suporta ng publiko sa mga produkto ng PCSO, maisasakatuparan nito ang adhikaing makapagbibigay tulong sa pamahalaan sa pamamagitan ng kawanggawa para sa mga Pilipino na nangangailangan ng tulong pang medikal.

Para sa iba pang impormasyon hinggil sa mga produkto ng PCSO, magsadya sa opisyal na website ng PCSO www.pcso.gov.ph at opisyal na PCSO FB page na https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia at youtube account PCSO GOV.


ISULONG IBAYONG PAGTULONG