Isang Pilipino na naman ang nabago ang buhay ng dahil sa palarong lotto ng PCSO. Masuwerteng nakuha ng isang manlalaro ng LOTTO 6/42 ang jackpot prize na Php31,846,491.00, nitong Martes, Nobyembre 6, 2018.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander F. Balutan ang winning ticket na may kombinasyon na 19, 02, 31, 10, 08 at 22 ay binili sa lotto outlet na matatagpuan sa Naga City, Camarines Sur.

Nanalo naman ng Php7,690.00 ang 103 na naglaro ng LOTTO 6/42 na nakakuha ng tamang limang numero, Php240.00 naman ang inuwi ng 2,546 na tumatangkilik ng nasabing laro na nakaapat na numero at naguwi naman ng Php 20 ang 31,121 katao na nakatatlong numero.

Ang LOTTO 6/42 ay nilalaro tuwing Martes, Huwebes at Sabado , at mapapanood live sa PTV 4 alas-9 ng gabi.

Muling nagpapasalamat si GM Balutan sa milyun-milyong tumatangkilik sa lahat ng produkto ng PCSO. Sa pamamagitan ng inyong pagsuporta at paglaro sa ating produkto, tuluy-tuloy din ang pagtulong pangkalusugan at pagbibigay ng serbisyong pangkawanggawa ng PCSO sa ating mga kababayan sa buong bansa. Sa inyong pagbili ng tiket may pagkakataon na kayong maging milyonaryo, sigurado pa kayong nakatulong sa kapwa nyo.

Para sa mga winning combination at schedule ng iba pang PCSO gaming products ay maaaring bisitahin ang opisyal na website ng PCSO sa www.pcso.gov.ph at ang FB page na https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia at youtube PCSO GOV.