Masuwerteng napanalunan ng dalawang manlalaro ang jackpot prize ng Megalotto 6/45 at Lotto 6/42 sa magkasunod na araw.

Biyernes ng gabi, Pebrero 8, 2019, nasungkit ng taga Borongan, Eastern Samar ang Megalotto 6/45 jackpot prize na Php 8,910,000.00 sa pagkakuha ng tamang anim na kombinasyon na 30, 16, 25, 26, 31 at 10, pahayag ni PCSO General Manager Alexander F. Balutan.

At noong Pebrero 9, 2019, mapalad naman ang isang taga Misamis Occidental sa pagkakuha ng 6 na tamang numero ng Lotto 6/42 na 12, 21, 03, 05, 15 at 20 at may jackpot prize na Php5,940,000.00 matapos ang bola noong Sabado alas 9 ng gabi, dagdag pa ni Balutan.

Sa loob ng dalawang magkasunod na araw mahigit 14.8 milyon ang kaloob ng PCSO sa masugid na manlalaro at sumusuporta sa mga palaro ng ahensya.

Buong pusong pasasalamat ang hatid ng PCSO sa milyun-milyong tagasubaybay at manlalaro ng lotto at iba pang produkto nito sa buong kapuluan. Sa patuloy na suporta ng publiko sa mga produkto ng PCSO, maisasakatuparan nito ang makapagbigay tulong sa pamahalaan sa pamamagitan ng KAWANGAWA para sa lahat ng mga Filipino na nangangailangan.

Para sa iba pang detalye ng produkto ng PCSO maaari ninyong tignan sa PCSO website na www.pcso.gov.ph at sa PCSO FB page https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia at youtube PCSO GOV.