Tinatayang aabot sa mahigit Php115 milyon ang mapapanalunan na jackpot prize ng Grandlotto 6/55 at Php51 milyon naman sa Lotto 6/42 pag masuwerteng makuha ang 6 na tamang numero ngayong Sabado, ika-13 ng Abril, 2019.

Samantalang sa darating na Linggo, Abril 14, 2019, ang jackpot prize sa larong Superlotto 6/49 ay inaasahang aabot sa mahigit na Php98 milyon para sa makakakuha ng tamang 6 na kombinasyong numero.

Ang palarong lotto ng PCSO ay mapapanood live sa PTV 4 tuwing alas 9 ng gabi. Ang Grandlotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado, ang Superlotto 6/49 ay masasaksihan nman tuwing Martes, Huwebes at Linggo, samantalang ang Lotto 6/42 ay tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Para sa ating mga kababayan, halina at maglaro na tayo ng mga palaro na itinataguyod ng PCSO. Sa bawat paglaro ninyo ng lotto, di lang kayo magkakaroon ng tsansang maging milyonaryo bagkus makakatulong pa kayo sa ating mga KABABAYAN na nangangailangan sa buong Pilipinas.

Para sa iba pang detalye at larong lotto ay mangyaring bisitahin ang opisyal na website www.pcso.gov.ph at ang opisyal FBpage na https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia and PCSO GOV sa YouTube.