Inaasahang aabot ng Php 101 Milyon ang jackpot prize ng kaabang- abang na Super Lotto 6/49 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Martes, April 16, 2019 ang maaring mapanalunan ng maswerteng manlalaro na makakakuha ng tamang 6 na numerong kombinasyon.

Walang nakasungkit ng jackpot prize na nagkakahalaga ng Php 98 Million noong Linggo, April 14, 2019 na may panalong kombinasyong 07-22-25-11-06-42.

Maliban sa SuperLotto 6/49, ang larong UltraLotto 6/58 na may tinatayang jackpot prize na Php 51 Milyon at Lotto 6/42 na may estimated jackpot prize na Php 54 Milyon ay lalaruin at mapapanuod din sa Martes, April 16, 2019.

Ang Superlotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo, alas-9 ng gabi at mapapanood ng live sa PTV-4. Ang iba pang laro ng PCSO tulad ng GrandLotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado, samantalang ang MegaLotto 6/45 ay tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Sa bawat pagbili ng lotto tiket hindi lamang tayo nagkakaroon ng pagkakataon na maging susunod na milyonaryo bagkus tayo rin ay nakakatulong sa PCSO upang makalikom ng pondo na ipinamamahagi sa maraming Pilipinong nangangailangan ng tulong medikal.

Para sa mga nagnanais makita ang mga nanalong kombinasyon at iba pang detalye ng PCSO games, produkto at serbisyo maari ninyong bisitahin ang PCSO official website na www.pcso.gov.ph at ang official FB page https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia at PCSO GOV para sa You Tube.