Masaganang buhay ang muling handog ng PCSO sa isang masuwerteng tumatangkilik ng Super Lotto 6/45 na nakasungkit ng jackpot prize na Php113,065,050.00 matapos ang bola noong ika-17 ng Hulyo, 2019.

Ang nanalong tiket na may kombinasyong numero na 11, 45, 08, 43, 25 at 33 ay binili sa lotto outlet na matatagpuan sa Sunshine Mall FTI, Taguig. Ito ang kauna-unahang panalo matapos umupo ang bagong General Manager ng PCSO na si GM Royina M. Garma.

Samantala, nanalo naman ng tig-Php29,690.00 ang 52 na nakakuha ng limang tamang numero, Php550.00 naman ang inuwi ng 2,207 na tumatangkilik ng nasabing laro na naka-apat na numero at 35,342 katao naman ang nakakuha ng tatlong tamang numero at nanalo ng tig-Php24 bilang konsolasyon.

Ang Megalotto 6/45 ay nilalaro tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes at mapapanood nang live sa PTV 4 alas-9 ng gabi.

Walang sawang pasasalamat ang handog ng mga opisyal at mga empleyado ng PCSO sa lahat ng tumatangkilik sa lahat ng produkto ng PCSO. Sa pamamagitan ng inyong pagsuporta at paglalaro sa ating produkto, tuluy-tuloy ang pagtulong pangkalusugan at pagbibigay ng serbisyong pangkawanggawa ng PCSO sa ating mga kababayan sa buong bansa.

Para sa mga winning combination at schedule ng iba pang PCSO gaming products ay maaaring bisitahin ang opisyal na website ng PCSO sa www.pcso.gov.ph at ang FB page na https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia at youtube PCSO GOV.


“Pusong Pilipino, Pusong Panalo”